Pano Ba ‘Yan…
Saang punto ko man tingnan,
ano pa man ang angolo nito,
di ko na talaga alam pano mag-aral
sa geometry at filipino.
Bangag.
Dumadaan ang malakas na hangin
Ayun, tinangay ang aking isipan.
Salita, chalk, numero
Patay, Antok na ko.
Salamat sa manok na dumaan
binalik ata ang isipan ko.
Bakit ang kalat-kalat ng paligid?
Tama na, nakakawindang.
Ang araw naman.
Tulog na ata sila.
Salamat naman kay Rizal, gising pa ata ako.
Tingnan mo, baliw na si Sisa.
Oo, si Sisa ako, kahit kunwarian lang.
x-y, x+y, decimal, fractions
oi tama na, ‘wag niyo na hatiin utak ko.
Dumaan nanaman ang hangin
wala na ‘tong tinangay.
Lipad, lipad, lipad. Lumilipad nanaman.
Oi, bumalik ka na.
Tapos na ang pagdurusa.
Bumaba na mula sa eroplano
Ingat ingat, baka matulad kay Aquino.
Siguro naman makikita mo na
kung gaano kagulo ang utak ko.
————————————————————————————————
Sobrang gulo lang talaga ng utak ko ng mga oras na ‘yon kaya eto ang kinalabasan. Pasensya na kay Sir Andy. Geometry kasi ‘yon.
At oo, mas magtataka ako kung may maka-get nito nang hindi ko pinapaliwanag pero makikita naman kung gaano ako ka-trying-hard magpigil ng antok, diba.? XD
Pointless Chase
Let me ask you.
Do you remember what the Next Subject is?
Let me ask you.
Who was the root of all of this?
Let me ask you.
Why have you forgotten?
Why have you forsaken?
1,2,3,4, how many are included?
Everything WAS final. Everything WAS done.
The sound once known will never be heard.
Helpless. Pointless. Is that what you think?
Catch Me If You Can.
Why would I even bother.
+ + +
Batu-bato sa langit, ang tamaan ‘wag magagalit.
Sa Kabila ng Bawat Tono
Tatlong taon ang lumipas.
Parang walang progreso.
Pumapalpak, tumatayo, magkakasama pa rin.
Noon ata iyon?
Oo, Noon nga. Hindi na ngayon.
Sa kabila ng bawat tono,
Napansin niyo bang ‘di tumutugma?
Sa muli ninyong pagsasama,
may nakapansin ba ng pagkukulang?
Buo na ang kanta, buo na ang lahat.
Sadyang may mga tono lamang na ‘di babagay dito.
Pero ‘di na bale.
May ibang kanta pa namang magagawa
ang tonong sadyang nawala.
Silent Words
I’m just really pissed right now. Besides the fact that we are climbing a huge mountain of homeworks, something else isn’t going right. Tch.
[reposted from my blogspot]
+ + +